Posted in young adults

Nasaan ang mga UMYAF?

Nasaan nga ba?
Hinahanap mo rin ba sila?
Nakukumusta mo pa ba?

Nakita ko sila.
Subsob sa trabaho.
Kailangan nila ng lakas.

Nakita ko sila.
Nagsasaya.
Kasama ang mga kaibiga’t katrabaho.

Nakita ko sila.
Iba-ibang mukha.
Iba-iba ng ginagawa.

Nakita ko na sila.
Nakita ko ang sarili ko.
Isa rin ako sa kanila.

Paglilingkod din ang trabaho.
Hindi rin naman bawal ang magsaya.
Basta gawin ang lahat para sa Diyos.

Mas malawak na ang ministeryo.
Nawa’y magampanan ng husto.
Ang lahat ay para pa rin kay Cristo.

Posted in young adults

As a leader…

As a leader, dapat alam mo ang function mo, nakikipag-coordinate ka sa kapwa officers/teamates mo at may concern ka sa mga members ng org n’yo.  Kaya ka nga naging leader, eh…para mag-lead.  Saan? I-lead sila para lalo pang makilala at mapaglingkuran si Christ.

As a leader, hindi ka dapat maging balat sibuyas…kapag hindi nag-rrespond ang kapwa officers sa group message at private message noong isang buwan pa, ‘pag nahihirapan ka na, at ‘pag nasasabihang malfunctioning ang org n’yo.

(Huhu. Ang sakit po! 😥 )

Okay, sige na nga, pwede nang umiyak pero ‘wag mong ipakita sa kanila. Umiyak ka pero harapin mo pa rin ang mga problema ng buong tapang at may ngiti sa labi. Pakinggan mo sila. Alamin kung saan sila nanggagaling. Baka naman may mapulot ka sa mga sinasabi nila. Then, seek for solutions.

As a leader, dapat mong kausapin ang mga tamang tao. Unahin mong i-seek si Lord. Na-consult mo na ba Siya tungkol dyan? Kausapin mo Siya, at i-rreveal Niya sa’yo ang mga dapat mong gawin. Ituturo rin Niya ang mga taong dapat mong kausapin.

Kausapin muna ang mga taong involved. ‘Wag agad ilalabas sa members ng org ang problema ng officers. Hindi ‘yon makatutulong sa kanila.  Mang-encourage at ‘wag mang-discourage. Ang dami ng negatives, ‘wag ka nang sumali.

As a leader, gawin mong model si Christ: mapagmahal, mapagpatawad, handang isakripisyo ang sarili para sa lahat.  Hindi rin ikaw ang bida, si Christ dapat.  Dun ka sa likod Niya. 😉

Do your best, and do it whole-heartedly. Remember, sa Diyos ka naglilingkod at hindi sa tao. Siya lang ang makapgsasabi if you’ve done your job well, oh faithful servant.

In Jesus’ Steps.

Posted in young adults

A Time to Work and a Time to Rest

It’s Saturday, and I’m lying sick in bed.  (But I’ll be fine later ’cause I’ll be meeting a friend whom I haven’t seen for years! Thank You, Lord, for the long weekend!)  For the past few days, I have been busy with paper works, teaching duties, and meetings here and there.  Plus, my extra-curricular activities like attending a friend’s wedding in a far away place and eat outs.

My body’s really complaining, but my brain keeps asking for more.  “I have to finish this.”  “We have to meet.”   “I have to go there.” etc.  I don’t want to be the reason for cancellation of meetings and unfinished tasks so I still thank God whenever other people cancels it.  I guess it’s God’s way of telling me to rest.

But as the saying goes, “lahat ng sobra ay masama.”  If working too much or going out very late at night because of meetings is not good, too much cancellation of meetings and too much rest is also not good.  I believe that it was God who placed me on whatever position I have in school and in church, and the unfulfilled responsibilities and pending tasks gives me a feeling of unworthiness and being disobedient to God.  I need to balance things out.

Today, Lord, I’m praying for a work-life balance. Please help me to fulfill my duties in school and church while still having time for my family and friends. Please help me, Lord, to manage my time very well. Amen.

Posted in Letters, Poetry, young adults

Kilos Na!

Dapat nga ba akong mangamba?
Hindi ko alam pero ganun ang aking nadarama.
Hindi ko alam baka kayo’y nakukulitan
Sa aking pangungulit na tayo’y magkakitaan.

Siguro, pwede ngang online lang ang usapan,
Pero hindi ba’t mas maganda kung harapan?
Para sa mga plano ay mas malinawan
Isabay mo pa ang sayang dulot ng personal na kamustahan.

Concern lang naman po ako.
Kasi kung tayong leaders nahihirapang magkita,
Paano pa ang mga myembrong sa atin din ay umaasa?
Umaasang ang pagiging aktibo at mga gawain ay sa atin magsimula.

Hindi naman sa makulit ako
Pero ganun na nga rin siguro
Nakaka-guilty kasing binigyan ako ng Diyos ng ministeryo
Na hindi ko naman alam kung nagagampanan ko.

Nauunawaan kong may kanya-kanyang tayong kaabalahan.
Sino bang hindi sa ating edad at kalagayan?
Pero siguro nga priorities lang ‘yan.
Mabibigyan ng oras kung kinakailangan.

Minsan gusto kong tumahimik na lang
Gagawa ng magagawa sa kinaroroonan
Mas masaya sana ‘pag kasama kayo sa plano’t panalanginan
Pero walang magagawa kung palaging nag-aantayan.

Kailan kaya tayo muling magkikita?
Ayokong magsawa sa pangungumusta.
Sana nga kahit sa online presensya’y madama.
Pero bakit kahit doon ay tila nawawala?

Tara na’t kumilos na!
Para sa buhay na Diyos na pinaglilingkuran.
Dalangin ko’y ipinagkatiwala Niyang ministeryo’y magampanan,
At ‘wag nawa natin itong mapabayaan.

Posted in young adults

Kwentong UMYAF (Ang Pasimula…)

“Nagsimula ang lahat sa tawag ng Diyos

Sa iba’t ibang taong tutugon sa Kanyang utos.

Binibigkis, hinuhubog ng Kanyang pagmamahal

Upang maging pagpapala sa mundong Kanyang ginawa…”

I’m on my silver year.  Middle-age kumbaga.  Nag-eestablish ng career, (medyo) iniisip na ang hinaharap at pagpapamilya (‘Kala mo talaga, e noh?? HAHAHAHAHA XD).  Panahon na gusto kong mag-impok, panahon rin na kaya kong magbigay.  Nasa peak ako ng aking kalakasan at kahit hindi man ganun karami ay may sapat nang kaalaman para harapin ang mga pagsubok sa buhay.  Wow!  Tumatanda na ako!  Hahahaha.  Gusto kong magtrabaho kasabay ng pag-eenjoy sa buhay.  Ang dami kong gustong gawin, sapat ba ang oras ko?

Gusto kong bumalik sa pinakasimula.  Noong panahong kaka-graduate ko lang bilang kabataan ng aming simbahan.  Nawa’y makatulong sa mga mambabasa ang aking mga kwento.

Pagtatapos

UMYF Graduation

Disyembre 28 o 29,2013.  23 taong gulang ako noong unang beses nila akong pina-graduate sa United Methodist Youth Fellowship (UMYF) para maging bahagi ng organisasyong United Methodist Young Adults Fellowship (UMYAF).  Nasa Christmas Institute (C.I.) ako noon, isang camp na ginagawa ng mga kabataan taon-taon.  Nakakatuwa, may medal pa silang binigay.  Masaya ako at natatawa-tawa pa noon pero ang totoo, hindi pa ako handa.  Ayokong pang umalis sa kabataan.  24 pa naman talaga ang edad ng UMYAF, eh.  Pakiramdam ko may kailangan pa akong gawin…kaya naman kalakip ng panalangin at commitment na tutulong muna sa kabataan ng aming iglesia, nanatili ako.  Tumulong ako sa muling pagbubuhay ng prayer meeting kasama ang ibang mga kabataan.  Salamat sa Diyos, naging mabunga naman ito!

This slideshow requires JavaScript.

Excited ako sa C.I. noong sumunod na taon.  This is it!  Last C.I. ko na! Excited akong grumaduate at lumevel-up bilang UMYAF.  Lubos ang pasasalamat ko Diyos sa mga natutunan ko noong UMYF days.  Nakaka-motivate ang pag-wwelcome ng mga UMYAF sa amin.  Kasabay ng konting bilin namin sa mga UMYF doon at panalangin ng lahat para sa aming mga le-level-up, tinanggap ko ang hamon na maging bagong myembro ng organisasyong UMYAF.  Pakiramdam ko handa na talaga ako.

Pag-aantay…

young peoplePero hindi pala ganoon kadali maging UMYAF.  Natapos na ang eleksyon ng mga bagong lider ng mga kabataan at iba pang organisasyon sa aming iglesia…pero tila ba nawawala ang mga UMYAF.  Nasaan na sila?  Nag-antay akong magpatawag sila ng meeting.  Nagtanong-tanong din kung sino-sino ang mga dating lider pero walang nakakaalam.

Paanyaya…

“Mai, may gawain ang UMYAF sa Naga.  Attend ka.  Walang representative ang East,”masiglang paanyaya ni Ate Weng sa akin noong dumalaw sila ni D.S. Ambi sa aming simbahan.  Si Ate Weng ang maybahay ni D.S. at siya ring presidente ng BulPAC UMYAF noong panahong iyon.  May nakaplano na talaga akong pupuntahan sa petsang sinabi niya kaya sabi ko, ikakansel ko muna ang lakad ko bago mag-confirm.  Nakakatuwa si Ate Weng kasi nag-ffollow-up siya.  Mahalaga ‘yon lalo na sa mga taong makakalimutin kagaya ko.  Salamat sa fb.  Hehe.  Ang sarap balikan ng conversations…

Tumawag ako kay Kuya Boyong, bise presidente ng BulPAC UMYAF noon, habang nasa paaralan ako noong araw din ng pag-alis nila.  Hahaha na lang sa wala akong load sa sun, mahinang signal sa paaralan at wala siyang fb.  Late notice.  Buti nakasama pa ako.  Sinabi na rin siguro ni Ate Weng?  Hindi ko na natanong.

Pasimula…

At ayun na nga!  Kasama ang sira kong cellphone (Ang timing ng pagkasira. HAHA), na-meet ko naman sila sa SM Megamall at bumyahe kami papuntang Naga para dumalo sa 3rd National Council Meeting.  Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kahit bagong salta lang ako sa UMYAF ay nagkaroon ako ng pagkakataong makadalo sa ganoong gawain.

Pinag-usapan sa pagpupulong ang kalagayan ng mga UMYAF sa iba’t ibang kumperensya at mga gawain ng National UMYAF.  Dito namulat ang aking mga mata sa bagong organisasyong aking kinabibilangan, nakita ang malawak na ministeryo nito at nalaman na hindi pala ako nag-iisa.  Nakakalungkot ang sitwasyon ng maraming UMYAF sa iba’t ibang lugar sa bansa: hindi masyadong aktibo at abala sa kanya-kanyang mga buhay pero nakaka-inspire din naman ang ibang mga aktibong kumperensya.  Dadating din kami doon, sa tulong ng Diyos.

Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at mga kapatid sa organisasyon na kasabay na nangarap at nanalangin para muling sumigla at maging organisado ang UMYAF sa mga iglesia lokal, distrito at kumperensya.  Hindi lang ‘yon.  Nakapaglibot pa kami sa Bicol, nakapag-swimming sa falls at nakita ang paanan ng bulkang Mayon (Haha.  Maulap, eh XD).  Ang saya!  Dito rin nagsimula ang pag-iipon ko at paglalaan ng pondo para sa ating mga retired ministers.

This slideshow requires JavaScript.

Pagpapatuloy…

Marami nang nangyari pagkatapos nito.  Nagpapasalamat ako sa Diyos sa maraming kaibigan at napakayamang karanasan sa aking paglalakbay.  Unti-unti, dahan-dahan, nararamdaman na ang UMYAF sa aming iglesia.  May mga bagong leaders na rin.

Marami pa akong kwento pero hanggang dito na lang muna.  Nawa’y nakapulot po kayo ng aral at inspirasyon sa pagbabasa.  Gusto kong ilaan ngayon ang aking lakas at oras sa paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng UMYAF.  Nakaka-enjoy ‘to…at nakaka-challenge din.  Dapat may madatnan ang mga susunod na graduates ng UMYF.

Dalangin ko’y magpatuloy na nag-aalab ang apoy na nasa aking puso…at sa iba pang mga UMYAF at maihawa pa ito sa iba.  Amen.