Posted in dreams

Pangarap na Coffee Shop

Noong nakaraang linggo

Nabuo ang pangarap sa coffee shop na itatayo;

Classical music sa background

O ung soft music lang ang sound.

 

Gusto ko may comfort room

Para makapag-back-to-work soon;

Gusto ko ng unan o comfy place o mesa

Para sa pagtulog o pagbabasa.

 

Ayoko ng maingay

Kaya dapat may pribadong lugar na maibibigay

Sa mga magkukuwentuhan

O magkakasamang mag-aaral-aralan.

 

Pwedeng mag-charge ng laptop at cellphone

At iba pang gadgets na aking katulong;

May wifi para madaling i-send ang mga ipapasa

At isa sanang malawak na mesa.

 

Mahalaga rin syempre na malapit sa’ming tahanan

Para madali ko itong mapuntahan;

Malapit din sa paaralan

Para mga estudyante’y matulungan.